
Nanawagan ang ilang labor group kay Pangulong Bongbong Marcos at sa Department of Justice (DOJ) na palayain ang mga nakakulong na labor activists.
Ito ay kasabay ng isinagawang nilang protesta sa harap ng DOJ sa Padre Faura, Maynila kung saan ilang taon na nakulong amg mga lider ng unyon dahol sa gawa-gawang kaso.
Ilan din sa mga nakakulong na lider ng unyon, aktibista at grupo ay nakulong matapos i-red tag ng dating administrasyon.
Dagdag pa ng grupo, mula sa mahigit 40 political prisoners mula sa hanay ng mga manggagawa noong simula ng kasalukuyang administrasyon, bumaba na umano ito sa 18.
Panawagan nila kay Pangulong Marcos Jr. na pabilisin ang pagbasura sa mga kaso at tiyakin ang agarang pagpapalaya sa mga nakakulong na labor activists.










