Lider ng NPA naaresto sa Pampanga

375

Timbog ang lider ng New People’s Army o NPA sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Central Luzon sa Angeles City, Pampanga kanina.

Kinilala ang NPA leader na si Rodolfo Salas o mas kilala sa alyas na Commander Bilog.


Si Bilog ay nahaharap sa 29 counts ng murder.

Sa report na ipinadala ni PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, payapang sumama si Salas sa mga pulis matapos mahuli sa kanyang tinutuluyan sa bisa ng warrant of arrest.

Narekober naman sa pagiingat ng NPA lider ang kalibre .45 na baril at mga bala.

Facebook Comments