Liderato ng Kamara, binigyang-diin na ebidensya ang dapat maging batayan sa pagsasampa ng mga kaso kaugnay sa maanomalyang flood control projects

Suportado at nirerespeto ni House Speaker Faustino Bodjie Dy III ang rekomendasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Ombudsman na kasuhan ang mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Dy, sa simula pa lang ay malinaw ang kanyang paninindigan na igalang ang ICI at bigyan ito ng buong pagkakataong gampanan ang mandato.

Sabi ni Dy, ito ang dahilan kung bakit hindi na itinuloy ng Kamara ang kahalintulad na imbestigasyon upang hayaan ang ICI na makapagtrabaho nang tuloy-tuloy.

Kaugnay nito ay lubos ang pagsang-ayon ni Dy sa pahayag ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na anumang posibleng kaso ay dapat nakabatay sa kabuuang ebidensya, at ang Ombudsman ay dapat tumugon sa direksyong itinuturo nito.

Diin ni Dy, ebidensya ang dapat maging batayan ng pananagutan.

Facebook Comments