Liderato ng Kamara, ibinida na highly qualified si Berberabe bilang Solicitor General

Buo ang suporta ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagtatalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay University of the Philippines (UP) Law Dean Darlene Marie Berberabe bilang bagong Solicitor General.

Para kay Romualdez, highly qualified si Berberabe para sa liderato ng legal team ng gobyerno dahil sa taglay nitong legal expertise, integridad, at kakayang mamuno.

Tiwala si Romualdez na handa si Berberabe para sa bagong posisyon at sigurado na kaya nitong panindigan intres ng estado kaugnay sa mga petisyon na nakabinbin sa Kataas-Taasang Hukuman.

Dagdag pa ni Romualdez, hindi lang kahanga-hanga ang professional record ni Berberabe dahil kilala din ito sa kanyang disiplina, pagiging patas, at pagkakaroon ng mahusay na pananaw.

Tiniyak naman ni Speaker Romualdez na buo ang suporta ng Mababang Kapulungan kay Berberabe sa pagganap nito ng tungkuling katawanin ang Republika sa korte at ipagtanggol ang Konstitusyon.

Facebook Comments