Liderato ng Kamara, inihirit na i-exempt sa ‘campaign spending ban’ ang fertilizer at fuel subsidy para sa mga magsasaka

Hiniling na rin ng liderato ng Kamara sa Commission on Elections (COMELEC) na i-exempt ang pamamahagi ng “fertilizer at fuel subsidy” para sa mga magsasaka mula sa “campaign spending ban” kaugnay sa halalan.

Ikinalulugod ng Kamara na hindi na sakop ng ban ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga tsuper ng mga pampublikong transportasyon, ngunit kanila ring iniaapela na ganito rin ang gawin sa subsidiya sa mga magsasaka

Gaya rin sa mga driver ng PUVs, lubos ding apektado ng sobrang mahal na presyo ng langis at nangangailangan din sila ng sapat na suporta.


Nauna nang inihinto ng Department of Agriculture o DA ang pamamahagi ng subsidiya dahil sa umiiral na election campaign spending ban.

Sakop din sa ban hindi lamang ang mga pinansyal na ayuda kundi maging ang pagbili ng mga makinaryang pang-agrikultura.

Facebook Comments