COURTESY: Bukluran ng Manggagawang Pilipino/Facebook

Binigyang-diin ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang Araw ng Paggawa ay hindi lang pagkilala sa mga manggagawang Pilipino kundi pagtutok sa kanilang kapakanan at pagpapabuti ng kanilang buhay.

Kaugnay nito ay inilatag ni Romualdez ang mga panukalang batas na naipasa ng Kamara para sa mga manggagawa tulad ng Trabaho Para sa Bayan Act at New Agrarian Emancipation Act na nagtanggal ng higit ₱57 bilyong pagkakautang sa lupa ng mahigit 600,000 magsasaka.

Ibinida rin ni Romualdez ang libreng legal na tulong para sa uniformed personnel na nakapaloob sa Republic Act 12177 gayundin ang Welfare of Caregivers Act, ang Eddie Garcia Law, at ang batas na nagpapatatag sa proteksyon para sa Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sabi ni Romualdez, naisabatas din ang panukalang pagtaas ng service incentive leave mula 5 hanggang 10 araw at ang panukalang nagpoprotekta sa mga freelancer, kasama ang pagbibigay benepisyo sa mga media worker.

Ikinalugod din ni Romualdez ang pagsasabatas o institutionalization ng TUPAD Program at pag-alis sa mga bayarin sa mga dokumentong kailangan ng mga naghahanap ng trabaho mula sa hanay ng mga mahihirap.

Facebook Comments