Liderato ng Kamara, ipinaalala sa public servant ang paglilingkod ng tapat, may integridad, at pakikiramay ngayong Semana Santa

Ngayong Semana Santa ay ipinaalala ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga kapwa nya public servant ang paglilingkod sa mamamayan ng tapat, may integridad, at pakikiramay.

Ayon kay Romualdez, ang Holy Week ay pagkakataon para pagnilayan ang pagtugon nila sa tawag ng paglilingkod sa bayan at sa mamamayan.

Hinimok naman ni Romualdez ang bawat Pilipino na alalalahanin ang buhay, paghihirap, at muling pagkabuhay ni Hesukristo bilang paalala ng totoong lakas na dulot ng sakripisyo, pagpapatawad, pananampalataya, at pag-asa.

Umaasa si Romualdez na ang panahon ng Semana Santa ay maghatid ng kapayapaan, katatagan, at kaginhawaan lalo na sa mga higit na nangangailangan.

Dalangin din ni Romualdez para sa bawat Pilipino na pag-alabain nito ang ating kabutihan, katatagan ng ating mga pamilya, at pagkakaisa sa bawat komunidad.

Facebook Comments