Liderato ng Kamara, ipinagmalaki na para sa bayan at tapat sa sambayanan ang ipinasang proposed 2026 national budget

Ipinagmalaki ni House Speaker Faustino “Bodjie” Dy III na hindi pansariling intres kung isip at puso ang nangibabaw sa pagpasa ng Kamara sa panukalang ₱6.793 trillion na 2026 national budget na para sa bayan at tapat sa sambayanan.

Ayon kay Dy sa bersyon ng House of Representatives ng 2026 budget ay wala silang naitago, tinago at walang ibang layunin kundi matiyak na bawat piso ng buwis ay babalik sa mamamayan.

Inilhad ni Dy na hindi naging madali ang pagpasa ng pambansang budget kung saan may mga pagkakataong nagtalo-talo ng pananaw ang mga mambabatas at minsan inaabot ng madaling-araw sa mga pagdinig.

Ayon kay Dy, sa ilalim ng budget para sa susunod na taon ay tinugunan ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang mga pangunahing sektor ng ating lipunan, lalong-lalo na ang edukasyon, ang kalusugan, at ang panlipunang pangangailangan.

Tiniyak din ni Dy na may sapat na pondo para sa kalusugan, imprastraktura, agrikultura, at mga programang panlipunan.

Facebook Comments