Liderato ng Kamara, kumpiyansang hahatak ng dayuhang pamumuhunan ang idinaos na World Economic Forum Country Roundtable sa bansa

Buo ang tiwala ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na hahatak ng dayuhang pamumuhunan ang dalawang araw na World Economic Forum (WEF) Country Roundtable na ginanap sa bansa na tiyak magbubunga ng trababo at kabuhayan para sa mamamayang Pilipino.

Kabilang sa mga lumahok sa naturang event ay mga global executives mula sa pribadong sektor ng enerhiya, imprastraktura, pananalapi, finance, banking, telecommunications, at marketing industries.

Para kay Romualdez, sa nabanggit na WEF Country Roundtable ay lumakas ang pagkilala sa Pilipinas bilang pangunahing mainam na paglagakan ng pamumuhunan.


Nabigyang diin dito ang commitment ng administrasyon ni pangulong ferdinand bongbong marcos jr sa pagtaguyod ng maunlad at mas mahusay na lagay ng ating ekonomiya.

Facebook Comments