Liderato ng Kamara, kumpyansang kumikilos ang DMW para sa mga tripulanteng Pinoy na sakay ng na-hijack na Portugese ship

 

Kumpiyansa si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na gumagawa ng hakbang ang Department of Migrant Workers (DMW) alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ay para matulungan ang pamilya ng apat na tripulanteng Pinoy na sakay ng MSC Aries na inaagaw ng Islamic Revolutionary Guard Corps ng Iran sa Strait of Hormuz.

Batid ni Romualdez na nakikipag-ugnayan na rin ang DMW sa Department of Foreign Affairs, ship manager, operator at manning agency para makalaya ang mga Pilipinong manlalayag.


Kaugnay nito ay nananawagan si Romualdez sa mapayapang resolusyon sa insidente at kahalagahan na matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipinong manlalayag.

Diin ni Speaker Romualdez, mahalaga ang kooperasyon at kagyat na pagkilos para sa mapayapang pagresolba sa sitwasyon.

Facebook Comments