Liderato ng Kamara, muling nagsagawa ng balasahan

102

Nagsagawa muli ng rigodon sa liderato ng Kamara.

Inalis na bilang mga Deputy Speakers sina Batangas Representative Raneo Abu, Capiz Representative Fredenil Castro at Laguna Representative Dan Fernandez na pawang mga kilalang kaalyado ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano.


Pinalitan naman ang mga ito nila Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriquez, Las Piñas Representative Camille Villar at Buhay Representative Lito Atienza bilang bagong Deputy Speaker na kaalyado naman ng kasalukuyang House Speaker Lord Allan Jay Velasco.

Itinalaga naman bilang Chairman ng House Committee on Energy si Pampanga Representative Mikee Arroyo na kapalit naman ni Speaker Velasco.

Tinanggal din bilang pinuno ng House Contingent sa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) si Kabayan Representative Ron Salo at ipinalit si Caloocan Representative Dale Malapitan.

Si ACT-CIS Representative Eric Yap na kasalukuyang Chairman ng House Committee on Appropriations ay itinalaga bilang Vice Chairman ng House Committee on Accounts.




Nagbitiw naman bilang House Secretary-General si Atty. Jocelia Bighani Sipin at ipinalit si dating Batangas Representative Mark Llandro Mendoza.

Itinalaga naman bilang caretaker ng First District ng Cebu si Speaker Velasco kasunod ng pagkasawi ni Representative Raul Del Mar.

Facebook Comments