Liderato ng Kamara, nag-alok ng kalahating milyong pabuya para sa makapagtuturo sa responsable sa pagpatay ng estudyanteng si John Matthew Salilig

Nag-alok si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng limang daang libong pisong pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon o magiging-daan para maaresto ang mga responsable sa pagkamatay ng Adamson University student na si John Matthew Salilig.

Sabi ni Romualdez, mahalaga na matulungan natin ang mga awtoridad na mapanagot sa batas ang mga gumawa ng krimen na walang pagpapahalaga sa buhay.

Mariing kinokondema ni Romualdez ang pagpaslang kay Salilig na hinihinalang biktima ng fraternity hazing at ang bangkay ay itinapon na lang sa isang bakanteng lote sa Imus, Cavite.


Kaugnay nito ay tiniyak ni Romualdez ang pakikipagtulungan ng Mababang Kapulungan sa mga awtoridad para matiyak ang ligtas na kapaligiran para mga Pilipino.

Facebook Comments