Liderato ng Kamara, nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating Pangulong Fidel V. Ramos

Nagpahayag ng kalungkutan at pakikiramay si House Speaker Martin Romualdez sa pagpanaw ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Si Ramos ay Chairman Emeritus ng partidong pinamumunuan ni Romualdez na Lakas-CMD.

Itinuturing din ni Romualdez si former President FVR bilang mabuting kaibigan.


Para kay Romualdez, nawalan tayo ng isang magaling na leader na naging sandigan ng ating katatagan, at nagsilbing inspirasyon satin.

Diin ni Romualdez, mananatili sa ating alaala ang mga nagawa ni dating Pangulong FVR at ang taos-puso nitong pamumuno o pamamahala sa bansa.

Ayon kay Romualdez, ang karanasan ni Ramos bilang military general at likas na karisma ay nagsilbing batayan ng nararapat na katangian ng ating leader na tigasin pero may pusong kumakalinga sa Pilipino lalo na sa pangkaraniwang mamamayan.

Facebook Comments