Sa unang 100 araw ni Vice President Sara Duterte-Carpio ay nagpahayag ng pagsaludo sa kaniyang liderato at political will si House Speaker Martin Romualdez.
Pangunahing pinuri ni Romuldez ang pamumuno rin ni VP Sara sa Department of Education (DepEd) kung saan kaniyang ipinatupad ang pagbabalik ng face-to-face classes sa buong bansa makalipas ang dalawang taong lockdown at online schooling.
Hinangaan ni Speaker Romualdez ang mga hakbang ni VP Sara para matiyak ang kaligtasan at proteksyon laban sa sakit ng mga estudyante, guro at empleyado ng mga paaralan.
Pinalakpakan din ni Speaker Romualdez ang matagumpay na programang isinulong ni VP Sara para sa mga mahihirap.
Ayon kay Romualdez, kabilang dito ang libreng sakay, tulong medikal at pagpapalibing, gayundin ang pamamahagi ng school supplies at hygiene kits sa mga mag-aaral.