Liderato ng Kamara, nakipagpulong sa local manufacturer ng jeepney

Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang dayalogo ng Mababang Kapulungan sa mga local manufacturer ng pampasaherong jeep sa bansa na kinabibilangan ng eFrancisco Motor Corporation at Sarao na kinatawan ni Ginoong Elmer Francisco at Ed Sarao.

Ang pulong ay kaugnay sa Public Utility Vehicle o PUV modernization program.

Tugon ito ni Romualdez sa hirit na tangkilikin ang mga jeep na lokal o gawa sa bansa na mas mura umano kumpara sa modernized units na gawa sa ibang bansa.


Una rito ay iginiit ni Romualdez na sa pagpapalit ng modernong units ng mga pampasaherong jeep ay mas mainam na mapanatili ang tradisyunal na itsura nito dahil ito ay sumisimbolo sa ating bansa at kultura.

Facebook Comments