Liderato ng Kamara, nananatiling matatag

Tiniyak ni House Deputy Speaker at La Union Representative Paolo Ortega na nananatiling matatag ang liderato ng Kamara at nagkakaisa ang bawat miyembro.

Ayon kay Ortega, pawang mga chismis at bulong-bulungan lamang ang mga impormasyon tungkol sa pagpapalit ng liderato ng House of Representatives.

Inihayag ito ni Ortega, kasunod ng pulong kahapon ng mga lider ng iba’t ibang partido sa Kamara kung saan dumalo rin ang mga Deputy Speakers, House Majority Leader Sandro Marcos at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Binanggit ni Ortega na sa naturang pulong ay tinalakay ang direksyon at mga dapat gawin ng Kamara lalo na ang pagpapatibay ng pambansang budget para sa 2026 at mga prayoridad na panukalang batas ng administrasyon.

Facebook Comments