
Nananatiling matatag ang liderato ni House Speaker Faustino Bodjie Dy III at malabong may magsagawa ng kudeta.
Pahayag ito ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos sa harap ng umuugong na pagpapalit sa liderato ng Senado.
Diin ni Congressman Sandro na masaya at may tiwala ang mga kongresista sa paraan ng pamumuno ni Dy sa Kamara.
Binanggit ni Rep. Marcos na nakakatulong ang tahimik na pamumuno ni Dy para mailatag ang mga kailangang reporma para sa mamamayang Pilipino.
Ikinalugod din ni Rep. Marcos na suportado ni Dy ang kanyang panukalang batas na “no work no pay” sa hanay ng mga miyembro ng Kongreso.
Facebook Comments










