Liderato ng Kamara, nanawagan ng masusing imbestigasyon at pagkondena ng international community sa pag-atake ng Houthi rebels sa mga sibilyan

Nagpahayag ng pakikiramay si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagkamatay ng dalawang manlalayag na Pilipino sa naging pag-atake ng Houthi rebels sa Gulf of Aden.

 

Kaugnay nito ay iginiit ni Romualdez ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon sa insidente para maigawad ang hustisya sa mga biktima.

 

Bukod dito ay nanawagan din si Romualdez sa international community na kondenahin ang pag-atake sa mga sibilyan at sasakyang pangdagat.


 

Tiniyak naman ni Romualdez na tutulungan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pamilya ng mga nasawi at nasugatang mga Pilipino sa naturang insidente.

 

Muli ring binigyang diin ni Speaker Romualdez ang pangako ng administrasyong Marcos na poproteksyunan ang kapakanan at karapatan ng mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Facebook Comments