Liderato ng Kamara, nangakong tututukan ang kapakanan ng mga manggagawa

Nangako si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na patuloy na itataguyod ng House of Representatives ang kapakanan ng mga manggagawa, kasama na ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibayong dagat.

Sa kanyang mensahe kaugnay sa Labor Day ay pinasalamatan ni Romualdez ang mga manggagawa at kinilala ang kanilang kahalagahan, nasa Pilipinas man sila o ibang bansa, sa pag-unlad ng ekonomiya.

Bunsod nito ay binigyang diin ni Romualdez ang kahalagahan na maisabatas ang mga panukala na gagarantiya sa patas na labor practices at magsusulong ng mga patakaran para sa kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa.


Binanggit ni Romualdez na ang gobyerno ay patuloy na nagsisikap na makalikha ng mga trabaho habang binibigyang proteksyon ang karapatan ng mga manggagawa at pinapahusay ang kanilang kakayahan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng kailangan nilang edukasyon at pagsasanay.

Facebook Comments