Liderato ng Kamara, pagbubutihin pa ang trabaho kasunod ng mataas na survey ratings ni Speaker Cayetano

Tiniyak ni House Majority Leader Martin Romualdez na lalo pa nilang pagbubutihin ang kanilang trabaho sa susunod na taon.

Ito ay matapos makakuha ng mataas na ratings si House Speaker Alan Peter Cayetano sa pinakahuling Pulse Asia Survey na nasa 80% trust rating at 76% approval rating.

Ayon kay Romualdez, ang taumbayan na ang nagsalita na kuntento sila sa performance ng Kamara sa ilalim ng pamumuno ni Cayetano.


Natutuwa din ang mambabatas dahil ngayon ay napapansin at naa-appreciate na rin ng publiko ang hard work na ipinamamalas ng mga kongresista.

Sa ngayon aniya ay nakatutok sila sa Kongreso sa marching orders ng Presidente tulad ng pagpapasa ng mga mahahalagang panukalang batas na may kinalaman sa pagsasaayos ng pamumuhay ng mga Pilipino.

Dagdag pa ni Romualdez, mananatili silang magtatrabaho ng masigasig sa Mababang Kapulungan at tutuparin ang papel na kanilang ginagampanan na magsilbi sa bayan.

Facebook Comments