Liderato ng Kamara, pinatutulungan sa DOH at LGUs ang mga residenteng apektado ng volcanic smog mula sa Bulkang Taal

Nanawagan si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa Department of Health o DOH at mga lokal na pamahalaan na tulungan ang kanilang mga residente na apektado ng volcanic smog mula sa Bulkang Taal.

Pangunahing tinukoy ni Romualdez ang mga residente sa paligid ng Bulkang Taal tulad sa Batangas, Cavite, Laguna, at Metro Manila.

Sa pamamagitan ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, ipinarating ni Romualdez sa DOH ang hiling na mamigay ito ng mga N95 masks at iba pang protective gear sa mga apektadong residente.


Binanggit ni Romualdez na sinabi sa kanya ni Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na ang DOH ay mayroon pang suplay ng N95 face masks na binili para sa COVID-19 pandemic.

Pinaghahanda rin ni Romualdez ang DOH at LGU para sa posibleng sakit na dala ng paglanghap ng volcanic smog sa mga residente ng mga apektadong lugar.

Facebook Comments