Liderato ng Kamara, pinayuhan si Cong. Teves na umuwi na sa Pilipinas

Pinayuhan ni House Speaker Martin Romualdez si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnulfo “Arnie” Teves na umuwi na ng Pilipinas sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Romualdez, ang authority to travel ni Teves sa United States ay mula February 28 hanggang March 9, 2023 lamang.

Sabi ni Romualdez, ang pananatili ni Teves sa labas ng bansa lagpas sa nabanggit na petsa ay hindi na awtorisado ng House of Representatives.


Dagdag pa ni Romualdez, makabubuti rin na umuwi si Cong. Arnie para harapin ang pagkakadawit ng pangalan ng kanilang pamilya sa pagkamatay ni Gov. Roel Degamo.

Una rito ay binanggit ni House Secretary General Reginald Velasco na humingi ng extension hanggang April 9 si Teves para sa kaniyang travel authority.

Subalit hindi ito naaprubahan dahil batay sa patakaran ng Kamara ay dapat nakasaad kung saan lugar at saang lugar magtutungo ang mambabatas.

Facebook Comments