Liderato ng Kamara, suportado ang mungkahing deklarasyon ng National State of Calamity sa loob ng isang taon

Suportado ni House Speaker Martin Romualdez ang rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC na ideklara ang National State of Calamity sa loob ng isang taon.

Kasunod itong matinding pinsala na idinulot ng pananalasa ng Bagyong Paeng sa halos lahat ng rehiyon sa buong bansa.

Ayon kay Romualdez, ilan ang nasawi, may mga nawawala at maraming tulay, lansangan at pangunahong imprastraktura at mga ari-arian ang nasira dahil sa hagupit ng nagdaang bagyo.


Samantala, hiniling naman ni Romualdez sa mga miyembro ng Mababang Kapulungan na tulungan ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan sa pagsasagawa ang assessment sa pinsala ng bagyong Paeng.

Sabi ni Romualdez, ang assessment sa pinsala ng bagyo ay magagamit para maipaloob sa 2023 budget ang pondo sa tulong at rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

Binanggit ni Romualdez na ang Kamara naman ay patuloy sa pangangalap at paghahatid ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyo.

Facebook Comments