Liderato ng Kamara, tiniyak na agad aaksyunan ang mga panukalang batas na inindorso sa LEDAC meeting

Nangako si House Speaker Martin Romualdez na agad aaksyunan at sisikaping pagtibayin ang 30 mga panukalang batas na inaprubahan sa ipinatawag ni Pangulong Bongbong Marcos, na kauna-unahang pulong ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Diin ni Romualdez, mahalaga ang naturang 30 panukalang batas at makakatulong sa paglikha ng trabaho, sa sektor ng kalusugan, pagbangon ng ekonomiya at sa pagbibigay proteksyon sa mamamayan na higit na nangangailangan.

Sabi ni Romualdez, magiging magkatuwang ang Senado at Kamara sa pagbibigay prayoridad sa nabanggit na mga panukalang batas na malaking bagay sa ikatatagumpay ng susunod na anim na taon ng administrasyon.


20 sa mga panukalang ito ay inilatag mismo ni Pangulong Marcos habang ang 12 ay tinukoy naman ng Mataas at Mababang Kapulungan kung saan kabilang ang SIM Registration Act at pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Facebook Comments