Asahan ang higit na pagyabong ng relasyon ng Pilipinas at South Korea lalo na sa larangan ng modernisasyon ng depensa, ugnayang pang-ekonomiya, at palitan ng kultura.
Pahayag ito ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez matapos bumisita sa bansa si South Korean President Yoon Suk Yeol.
Ikinalugod ni Romualdez ang kahandaan ng South Korea na suportahan ang mga proyektong pang-imprastraktura ng Pilipinas gaya ng pagsasagawa ng feasibility study sa Bataan Nuclear Power Plant.
Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang mahalagang papel ng South Korea sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng mga humanitarian effort nito sa mga joint exercise gaya ng KAMANDAG.
Dagdag pa ni Romualdez, ang South Korea rin ang pangunahing pinanggagalingan ng mga foreign tourist sa bansa sa nakalipas na dalawang taon.
Bunsod nito ay tiniyak ni Romualdez ang suporta ng Kamara sa mga strategic initiative na naglalayong palakasin ang relasyon ng dalawang bansa.