Liderato ng Kamara, tiwalang hindi gugustuhin ng Chinese Ambassador na magkaroon ng lamat ang relasyon ng Pilipinas at China

Naniniwala si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na hindi rin gugustuhin ng Chinese Ambassador na magkaroon ng lamat ang relasyon ng Pilipinas at China.

Bunsod nito ay umaapela si Romualdez kay Chinese Ambassador Huang Xilian na sikaping maayos ang Philippine-Chinese ties na naaapektuhan ng tumitinding tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Romualdez, nakausap niya kamakailan si Huang Xillian at kaniyang ipinarating ang ating pagkabahala sa agresibong mga hakbang ng Chinese maritime forces sa WPS.


Sagot ito ni Romualdez nang hingan ng reaksyon ukol sa mga panawagan na patalsikin na ang Chinese Ambassador at kaniyang mga staff dahil hindi naman nakakatulong sa pagresolba sa isyu sa West Philippine Sea.

Kasunod ito ng pagkuyog ng mga barko ng Chinese Coast Guard sa resupply mission vessel ng Pilipinas sa Ayungin Shoal kung saan ilang miyembro ng Philippine Navy ang nasaktan at ang isa ay naputulan pa ng daliri.

Facebook Comments