Liderato ng Kamara, tiwalang kakatigan ng Senado ang mga pro-people institutional amendment sa proposed 2023 budget

Tiwala si House Speaker Martin Romualdez na susuportahan ng Senado ang pro-people institutional amendments ng Mababang Kapulungan sa proposed 2023 national budget na nagkakahalaga ng P5.2 trillion.

Sabi ni Romualdez, umaabot sa P77 billion ang institutional amendments na ginawa ng Kamara sa General Appropriations Bill o GAB para sa susunod na taon.

Diin ni Romualdez, layunin nito na dagdagan ang pondo para sa edukasyon, kalusugan, transportasyon at iba pang mahalagang serbisyo sa publiko ng gobyerno.


Umaasa si Romualdez, na makikita ng mga senador, lalo na ng mga kasapi sa bicameral conference committee na ang askyon ng Ka mara sa proposed 2023 budget ay tama at para sa kapakanan ng mamamayang Pilipino.

Paliwanag ni Romualdez, ito ay sang-ayon sa kanilang hangarin na maipasa ang pambansang budget na tutupad sa 8-point economic agenda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na makatutulong sa tuluyang pagbangon ng ekonomiya mula sa hagupit ng pandemya.

Facebook Comments