Tiwala si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na mapag-iibayo ang paglaban natin sa cancer na pumangatlo sa pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino.
Pahayag ito ni Romualdez, makaraang saksihan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa Amerika ang paglagda sa memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Ayala Healthcare Holdings, Inc., Varian Medical Systems Netherland B.V. at Varian Medical Systems Philippines, Inc.
Ayon kay Romualdez, ang naturang kasunduan ay para sa pagpapaunlad ng oncology clinics sa Pilipinas at pagtutulungan sa inobasyon at pagsasaliksik para mapagbuti ang pagtukoy, pagpapagamot at pag-iwas sa cancer.
Diin pa ni Romualdez, ang nabanggit na kasunduan ay makatutulong sa pagkamit ng hangarin ng Republic Act No. 11215, o National Integrated Cancer Control Act, na naisabatas noong Pebrero 2019.