Buo ang pag-asa ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na madaragdagan pa ang US$4.26 bilyong halaga ng pamumuhunan na makukuha ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pagbisita nito sa Saudi Arabia.
Masayang ibinalita ni Romualdez na mga kasunduang pinasok ng mga kompanya na nakabase sa Saudi at Pilipinas ay inaasahanng lilikha ng mahigit 15,000 trabaho para sa mga Pilipino at tiyak madadagdagan pa ito.
Binanggit ni Romualdez na ayon Minister of Investments ng Saudi Arabia na si Khalid A. Al-Falih, maraming negosyante sa kanilang bansa ang interesadong mamuhunan sa Pilipinas at isa sa kanilang pinag-aaaralan ang Maharlika Investment Fund gayundin ang pagpasok sa sektor ng enerhiya at kemikal, logistics, turismo, real estate, at agrikultura.
Dagdag pa ni Romualdez, intresado din ang Saudi na mamuhunan sa sektor ng agrikultura sa Pilipinas upang dumami ang suplay ng pagkain, food processing, at manufacturing.
Nasa Saudi si Pangulong Marcos para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Gulf Cooperation Council Summit.