
Buo ang pag-asa ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na lalong titibay ang alyansa ng Amerika at Pilipinas.
Sinabi ito ni Romualdez kasunod ng kauna-unahang pagbisita sa bansa ni United States Defense Secretary Pete Hegseth.
Ikinalugod ni Romualdez na ang pagbisita ni Hegseth ay nangyari sa kritikal na panahon sa rehiyon sa gitna ng mga hamon at tensyon sa South China Sea.
Ayon kay Romualdez ang high-level discussions sa pagitan ni Secretary Hegseth at matataas na opisyal ng Pilipinas ay nagpapatibay sa defense cooperation at pagsusulong sa prinsipyo ng kalayaan sa paglalayag at respeto sa international norms.
Tiwala din si Romualdez na bukod sa pagpapa-igting ng pambansang seguridad ay magbubunga rin ang pagbisita ni Secretary Hegseth ng mas pinalawak na kalakalan, trabaho at mga oportunidad na mag-aangat sa buhay ng mga Pilipino at mamamayan ng Estados Unidos.