
Welcome kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagtalaga kay PMGen. Nicolas Torre III bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).
Para kay Romualdez, si Torre ay isang matuwid at maprinsipyong leader na may tapang, integridad at operational command na siyang kailangan ngayon para pamunuan ang Pambansang Pulisya.
Tiwala si Romualdez na sa liderato ni Torre ay maibabalik ang propesyunalismo, disiplina at tiwala ng mamamayan sa ating kapulisan.
Pinuri rin ni Romualdez ang mahigpit na pagpapatupad ni Torre ng batas at ang matagumpay na high-profile missions sa kabila ng mahigpit na pagbusisi ng publiko at political pressure.
Bunsod nito ay tiniyak ni Romualdez na handa ang Kamara na suportahan ang pamumuno ni Torre sa pamamagitan ng pagpasa ng mga kailangang batas at resources na makakatulong sa pagtupad ng PNP sa mandato nito.









