Liderato ng Kamara, tiwalang mailalatag na mabuti ni PBBM sa kanyang SONA ang pananaw at plano sa bansa sa mga darating na taon

Itinuturing ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na “setting of the direction” ang unang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

At sa ikalawang SONA ngayong araw ay inaasahan ni Speaker Romualdez na mailalatag na mabuti ni PBBM ang kanyang pananaw at plano sa bansa sa mga darating na taon gayundin ang mga achievements sa unang taon.

Pagmamalaki ni Romualdez, naisabatas na ang Maharlika investment Fund (MIF) habang bumaba naman ang inflation rate pati ang bilang ng mga walang trabaho.


Samantala, mahigit 2,000 ang bisitang inaasahang pisikal na dadalo sa SONA kung saan ipapatupad pa rin ang hybrid setup sa sesyon at papayagang dumalo ang mga mambabatas sa pamamagitan ng teleconferencing.

Kasama sa mga nagkumpirma na dadalo sa SONA ay sina dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo, at Rodrigo Roa Duterte.

Ang classically-trained soprano na si Lara Maigue naman ang kakanta ng Lupang Hinirang sa SONA.

Habang isang choir naman mula sa Tacloban City ang kakanta ng national anthem sa pagbubukas ng sesyon sa umaga.

Mas magiging maluwag na rin ang ipinatutupad na COVID-19 protocol at hindi na kailangan pa ng RT-PCR test ng mga fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Facebook Comments