Liderato ng Kamara, umaasa na lalo pang titibay at lalago ang relasyon ng Pilipinas at Brunei

Kasabay ng selebrasyon ng ika-40 taong anibersaryo ng diplomatikong ugnayan ng Pilipinas at Brunei ay nagpahayag ng lubos na pag-asa si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na lalo pang titibay at lalago ang relasyon ng dalawang bansa.

Sinabi ito ni Romualdez matapos agad maselyuhan ang tatlong kasunduan sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Brunei.

Kabilang sa mga kasunduang nilagdaan na binanggit ni Romualdez ang tatlong memorandum of understanding (MOU) sa turismo, Mutual Recognition of Standards of Training, Certification and Watchkeeping (STCW) certificates; at maritime cooperation.


Dagdag pa ni Romualdez, isang letter of intent din ang ikinasa upang pagtibayin ang nauna ng kasunduan ng Pilipinas at Brunei patungkol sa food security at ugnayan sa sektor ng agrikultura.

Nakatitiyak si Romualdez na makikinabang ang mamamayang Pilipino sa nabanggit na mga inisyatiba na magpapa-unlad ng turismo, magpapahusay ng maritime standards, at magpapalakas ng agricultural practices na pawang magbubunga ng trabaho at iba pang mapagkakakitaan.

Facebook Comments