Liderato ng Kamara, umaasang patuloy na bababa ang inflation rate sa bansa

Buo ang pag-asa ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na magpapatuloy ang pagbagal ng inflation rate o ang galaw ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa.

Pahayag ito ni Romualdez makaraang bumaba sa 1.9% ang naitalang inflation rate nitong buwan ng Setyembre na pinakamababa sa loob ng apat na taon.

Ayon kay Romualdez, epekto ito ng pasya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ibaba sa 15% ang taripa sa pag-import ng bigas mula 35%, gayundin ang direktang pagbebenta ng murang bigas ng gobyerno sa publiko sa pamamagitan ng mga kadiwa store.


Bunsod nito ay nangako si Romualdez na patuloy na magiging katuwang ni Pangulong Marcos ang Kamara sa pagtiyak na mayroong suplay ng abot-kayang pagkain para sa mga Pilipino.

Binanggit ni Romualdez na bukod sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan nating kababayan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa iba’t ibang panig ng bansa ay babantayan din ng Kamara ang implementasyon ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.

Facebook Comments