Friday, March 27, 2026

Liderato ng Kamara, umaasang patuloy na lalakas ang sektor ng agrikultura

Tiwala si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa patuloy na paglakas ng sektor ng agrikultura na magpapa-angat sa kita ng mga magsasaka, magpapatatag ng seguridad sa pagkain at magpapa-igting sa produksyon ng mga produkto na makakatulong sa ekonomiya.

Pahayag ito ni Dy, matapos nilang pangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang inspeksyon at inagurasyon ng post harvest facilities sa lalawigan ng Isabela.

Sabi ni Dy, ang proyektong ito ay mas magpapabilis sa pagdadala ng ani mula bukid patungong pamilihan, babawas sa pagkalugi, at mas magpapahaba sa buhay ng mga produkto.

Ayon kay Dy, hindi lang ito pagbubukas ng mga pasilidad kundi pagbubukas din ng oportunidad para sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga magsasaka at ng buong sambayanang Pilipino.

Diin ni Dy, makikita sa ganitong hakbang ng adminstrasyon ang malinaw na direksyon kung saan prayoridad ang agrikultura dahil ito ay pangunahing haligi ng ating ekonomiya.

Facebook Comments