Liderato ng Kamara, umapela ng kapayaan sa Israel

Kasunod ng pag-akyat sa tatlo ng nasawing mga Pilipino dahil sa kaguluhan sa Israel ay nanawagan si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na itigil na ang karahasan sa pagitan ng Hamas at Israel.

Apela ni Romualdez sa magkabilang panig na kapwa armado, maging maingat at iwasan na mayroong sibilyan, lalo na ang mga Pilipino, ang masasaktan o madadamay.

Diin ni Romualdez, dapat pairalin ang international law at kaugnay na UN Security Council Resolutions upang magkaroon ng mapayapang solusyon sa gulo sa Israel.


Tiniyak ni Romualdez, na ang Pilipinas ay handang makipagtulungan sa international community para maresolba ang matinding tensyon sa Israel.

Facebook Comments