Liderato ng Kamara, umapela sa Filipino-Chinese businessmen na tumulong sa pagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino 

Hinikayat ni House Speaker Martin Romualdez ang mga Filipino-Chinese businessmen na tulungan ang gobyerno at Kongreso na makalikha ng trabaho para sa mas maraming mga Pilipino.

Mensahe ito ni Romualdez sa kanyang pagdalo sa 33rd Biennial Convention ng mga miyembro ng Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry.

Ayon kay Romualdez, sinisikap ng Kongreso na makapagpasa ng mga panukalang batas na makapagbigay ng trabaho para sa mga Pilipino upang hindi na sila mapilitang mangibang bansa.


Diin ni Romualdez, malaking tulong ang suporta at mga programa ng Filipino-Chinese businessmen para mas marami ang mabigyan ng edukasyon at lalo pang pasiglahin ang ekonomiya ng Pilipinas.

Tiwala si Romualdez na daan ito para makamit ang layuning makalikha ng mas maraming trabaho na hihimok sa mamamayan na huwag ng maghanap ng oportunidad sa ibayong-dagat.

Facebook Comments