Liderato ng Kamara, umapela sa mga rebelde na magbalik-loob at magpasakop sa mga umiiral na batas sa bansa

Hinikayat ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga rebeldeng komunista, na iwanan na ang paghihimagsik at paghahasik ng karahasan para magbalik-loob at magpasakop sa kamay ng batas.

Apela pa ni Romualdez sa mga rebeldeng komunista, palaging isipin ang idudulot ng kanilang mga aksyon.

Tiniyak naman ni Romualdez, na tutulong ang gobyerno para magkaroon ng isang mapayapang pagbabalik sa lipunan ng mga pipili ng landas na ito.


Mensahe ito ni Romualdez, makaraang masawi ang isang sundalo at masugatan ang iba pa sa sagupaan sa pagitan ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga rebeldeng komunista sa Batangas.

Agad na nagpaabot ng pakikiramay si Romualdez sa pamilya ng biktima.

Ayon kay Romualdez, ang pagkasawi ng sundalo ay isang paala-ala sa kanilang sakripisyo para mapanatili ang seguridad ng bansa.

Diin ni Romualdez, ang insidenteng ito ay nagpapakita ng mga hamon sa pagkakaroon ng kapayapaan at katatagan ang bansa.

Facebook Comments