Manila, Philippines – Marami pang tanong na nais masagot ang liderato ng Liberal Party o LP bago suportahan ang hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagpapalawig ng martial law sa buong mindanao.
Pangunahin sa nais malaman ni LP president Senator Francis Kiko Pangilinan ay kung ano ang layunin at kinakailangang isailalim ang Mindanao sa martial law nang lima pang buwan.
Tanong pa ni Pangilinan, anong kapangyarihan ng Pangulo ang gustong ipatupad sa panahong ito sa ilalim ng martial law na iba sa kapangyarihang ipinagkaloob sa kanya ng batas at ng konstitusyon.
Nais din ni Pangilinan na idetalye kung anu-ano ang inaasahan ni Pangulong Duterte na mangyayari ng loob ng dagdag na panahong papairalin ang batas militar sa Mindanao.
Ayon kay Pangilinan, yan ay mga tanong din ng sambayanan na dapat masagot at malaman sa gagawing joint session ng Kongreso sa Sabado kaugnay sa hiling na martial law extension.
Giit ni Pangilinan sa mga kasamahang mambabatas, huwag talikuran ang tungkulin na i-assess kung may basehan, kung angkop at kung tama na patagalin ang martial law sa Mindanao hanggang December 31.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558