Liderato ng Liberal Party, nangangamba na gawin din sa iba ang sinapit ng pamilya Parojinog

Manila, Philippines – Nangangamba si Liberal Party o LP President Senator Francis Kiko Pangilinan na gawin din sa ibang ang pagpatay sa ilang miyembro ng pamilya Parojinog at ilan pa nilang kasamahan.

Para kay Senator Pangilinan, hindi makatotohanan na nanlaban ang kampo ng mga parojinog kaya niratrat ang mga ito ng mga otoridad na nagsagawa ng raid sa kanilang tahanan.

Punto ni Pangilinan, paano nangyaring 15 ang patay mula sa panig ng Parojinog habang wala manlang nasugatan o nasaktan mula sa panig ng Philippine National Police.


Kwestyunable din para kay Pangilinan na isinilbi ang search warrant sa bahay ng pamilya parojinog alas dos ng madaling araw.

Binatikos din ni Pangilinan ang pagpatay ng raiding team sa Closed-Circuit Television o CCTV cameras bago pasukin ang bahay ng pamilya Parojinog.

“Serving warrants of arrest past 2 AM. Disabling the Close Circuit TV cameras (CCTV) prior to entering the premises. All 15 suspected drug lords at the scene of the crime and their ‘armed to the teeth’ bodyguards are killed. No injuries or casualties on the side of the PNP. Hindi makatotohanan. Pwedeng gawin ito kaninuman,” ayon kay Senator Pangilinan.

Facebook Comments