Marawi City – Pinaniniwalaan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sina Isnilon Hapilon at Omar Maute na lang ang natitirang buhay sa pitong Maute brothers.
Ayon kay AFP spokesperson, Brig/Gen. Restituto Padilla – unti-unti nang bumabagsak ang liderato ng Maute-ISIS group.
Mahigpit ding ipinapatupad ang no entry at no exit policy para maisawan ang pagkitil pa ng buhay dahil sa mga insidente ng ligaw na bala.
Dagdag pa ni Padilla – hindi na dapat seryosohin ang mga naging pahayag ni Omar Solitario dahil hindi na kailanman makikipag-usap ang gobyero sa mga terorista.
Dapat aniya managot din si Solitario na isa sa mga sangkot kung bakit sumiklab ang gulo sa Marawi.
Tiniyak din ng AFP na sapat na pwersa ng sundalo sa Marawi at humingi na sila ng supplemental budget para tugunan ang operasyong militar.
Sa ngayon, umaabot sa tatlong bilyong piso ang nagastos sa operasyon.