
Tiwala si House Minority Leader at 4Ps Party-list Representative Marcelino Libanan na sa ilalim ng 2026 National Budget, ay magiging malinaw ang direksyon ng pamahalaan, mas masinop, mas maingat, at mas responsable sa paggastos sa pondo ng bayan.
Diin ni Libanan, ang bawat alokasyon ay dumaan at patuloy na dadaan sa masusing pagsusuri upang matiyak na ito ay may malinaw, konkreto, at direktang benepisyo para sa bawat pamilyang Pilipino.
Mensahe ito ni Libanan, kasunod ng paglagda ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., sa 2026 General Appropriations Act (GAA).
Tiniyak ni Libanan na suportado nya ang matibay na paninindigan ni PBBM na ang bawat pisong buwis ng sambayanang Pilipino ay dapat mapunta sa tama, makabuluhan, at kinakailangang mga programa at proyekto.
Buo ang pag-asa ni Libanan na makakamit ang layunin ng Pambansang Pondo ngayong taon na tugunan ang agarang pangangailangan ng ating mga kababayan, palakasin ang mga serbisyong panlipunan, at itaguyod ang pangmatagalang pag-unlad ng ating ekonomiya.










