Liderato ng minorya sa Senado, ikinaalarma ang pagtanggi ng gobyerno sa developmental aid mula sa European Union

Manila, Philippines – Ikinalungkot at ikinaalaram ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang desisyon ng Duterte administration na huwag tanggapin ang developmental aid mula sa European Union o EU na nagkakahalaga ng mahigit 13 bilyong piso.

Nababahala si Drilon na ang nasabing hakbang ng pamahalaan ay makaapekto sa trade relations ng Pilipinas at mga bansang kasapi ng European Union.

Binigyang diin ni Drilon na ang EU ay subok ng trading partner ng ating bansa.


Kaya posible aniyang maging dahilan ito na matanggal ang Pilipinas sa Generalized System of Preferences Plus kung saan hindi na pinapatawan ng taripa ang mga produktong ini-export natin sa mga EU member countries.

Malaking bagay din aniya ang tulong nito lalo na sa kapakanan at kabuhayan ng mga komunidad sa Mindanao.

Maliban pa sa committee partner din ang EU sa kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao.
DZXL558

Facebook Comments