Liderato ng PDP-Laban, pinagsabihan ang mga miyembro nito na suportahan ang kanilang pambato sa house speakership race

Manila, Philippines – Iginiit ni PDP-Laban President Senator Koko Pimentel na ang kanilang pambato sa house speakership race na si Congressman Lord Allan Velasco ang dapat suportahan ng kanilang mga kapartido sa Kamara.

Pahayag ito ni Pimentel sa harap ng posibilidad na pagtakbo din ni presidential son Davao Representative Paolo ‘Pulong’ Duterte para maging house speaker.

Ayon kay Pimentel, hindi miyembro ng PDP-Laban si Congressman Pulong.


Diin pa ni Pimentel, hangga’t may miyembro ang kanilang partido na tumatakbo sa posisyon at kwalipikado ay yun ang kanilang dapat unahing suportahan.

Samantala, sinabi naman ni PDP-Laban Spokesman Ron Munsayac na magkakaroon ngayon ng pulong ang mga lider ng partido kaugnay isyu ng house speakership.

Ayon kay Munsayac, magsasagawa din sila ng konsultasyon sa kanilang mga miyembro sa Kamara.

Tiniyak ni Munsayac na ang PDP-Laban bilang ruling party at partido din ng Pangulo ay kikilos ng may pagkakaisa.

Facebook Comments