Liderato ng PNP, kumpiyansang epektibo ang laban ng pamahalaan kontra iligal na droga

Tiwala si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr., na napagtatagumpayan ng gobyerno ang kampanya nito kontra iligal na droga.

Ayon kay PNP Chief Acorda, marami nang nahuling drug personalities sa serye ng ikinasa nilang anti-illegal drug operations.

Sa katunayan, nasa 23,395 drug personalities na ang nadakip mula January 1 hanggang May 19, 2023 mula sa 17,668 ikinasang operasyon laban sa ipinagbabawal na gamot.


Nakasabat din ang pulisya ng P5.76-B halaga ng shabu sa mga nabanggit na operasyon.

Ibinida rin nito ang resulta ng survey ng OCTA Research Team kung saan lumalabas na mataas ang trust at satisfaction ratings ng PNP.

Facebook Comments