Liderato ng PNP, magpapaliwanag sa Kongreso hinggil sa nangyaring karumal -dumal na pamamaslang kay Gov. Degamo

Haharap sa Mababang Kapulungan ng Kongreso bukas si Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., maging ang Negros Oriental Police Provincial Director at Regional Director upang magpaliwanag kaugnay sa hindi pag-duty ng 5 mula sa 6 na police escorts ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo sa mismong araw ng ito ay paslangin sa loob mismo ng kaniyang tahanan.

Kaugnay ito sa panawagan ni House Speaker Martin Romualdez sa House Committee on Public Order and Safety na magsagawa ng imbestigasyon ukol sa hindi pag-duty ng 5 security detail ni Gov. Degamo.

Ayon kay Azurin, kaniyang ipapaliwanag ang deployment ng mga security detail.


Magkagayunman, kaniya pa ring pagpapaliwanagin ang 5 pulis.

Bukod pa rito ay magbibigay rin ng update si Azurin sa Kongreso hinggil sa status ng imbestigasyon sa Degamo slay case.

Una ng humarap ang PNP chief sa House speaker upang magpaliwanag kaugnay sa magkakasunod na pananambang sa mga lokal na opisyal ng bansa.

Facebook Comments