Naniniwala si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Farncisco Marbil na hindi demolition job laban sa kanya ang kumalat na fake news hinggil sa pag-bawas sa benepisyo ng mga pulis.
Ito’y makaraang lumutang ang balitang babawasan umano ang natatanggap na rice subsidy ng mga pulis bukod pa sa natatanggap nilang Combat Incentive Pay at Combat Duty Pay.
Ayon kay Gen. Marbil, kumikilos na ang PNP Anti Cybercrime Group upang matukoy ang nasa likod ng pagpapakalat ng maling impormasyon.
Nauna nang pinulong ni Marbil ang kanyang mga field commanders para pabulaanan ang ulat at iginiit na hindi ito pwedeng gawin ng PNP dahil nasa ilalim ng batas ang pagbibigay ng benepisyo sa mga pulis.
Nilinaw rin nito na prayoridad nila ang pagbibigay ng benepisyo tulad ng health assistance at legal assistance.