Liderato ng Presidential Task Force on Media Security, binakante ni PBBM

Bakante muna ngayon ang liderato ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na pinamumunuan ni Undersecretary Paul Gutierrez bilang executive director.

Batay sa liham ni Executive Secretary Lucas Bersamin kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na miyembro ng task force, ipinabatid na napaso na ang termino ni Gutierrez.

Nakasaad din dito na ang ‘expiration of the tenure’ ni Gutierrez ay epektibo sa lalong madaling panahon.


Nabatid na ang liham ay noong Setyembre 12 pero ngayon lamang isinapubliko ng Malacañang.

Kinumpirma naman ng Palasyo na hindi na ni-renew ng Pangulo ang appointment ng opisyal.

Si Gutierrez ay itinalaga ni PBBM bilang pinuno ng PTFoMs noong May 2023.

Facebook Comments