Liderato ng Senado, dismayado sa pagveto ng pangulo sa Security of Tenure Bill

Natanggap na ng senado ang veto message ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa Security of Tenure Bill.

 

Ayon kay Senate President Tito Sotto III at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, magkahalong lungkot at pagkadismaya ang kanilang nararamdaman ngayon.

 

Sabi ni Sotto, ganyan talaga ang takbo ng demokrasya kaya ang tangi nilang magagawa ay ihain muli at iprayoridad ang panukala.


 

Hinanakit naman ni Senator Zubiri, nawalan ng saysay ang pagsertipika ng malakanyang sa security of tenure bill bilang priority measure kaya ito ay kanilang pinagtuunan ng panahon.

 

Naguguluhan ngayon si Zubiri kung ano ba talaga ang kahulugan sa malakanyang ng priority measure o mga panukala na dapat iprayoridad ng mataas at mababang kapulungan.

 

Giit ni Zubiri, dapat magkaisa ng aksyon ang mga bumubo sa gabinete ng pangulo upang hindi naman magmukhang istupido ang mga mambabatas.

 

Ipinunto pa ni Zubiri na mapapahiya din ang Pangulong Duterte dahil binanbanggit nito sa kanyang mga nagdaang State of the Nation Address o SONA ang mga isinusulong na panukala ng administrasyon na sa bandang huli ay ibi-veto lang pala.

Facebook Comments