Ikinadismaya ni Senate President Vicente Sotto III ang pananatili ng mandatory na pagsusuot ng face shield sa lahat ng lugar alinsunod sa rekomendasyon ng mga health expert ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Puna ni Sotto, ‘all talk’ o puro daldal lang ang nabanggit na mga health expert at walang maipakitang ebidensya na talagang kailangan ang paggamit ng face shield.
Kaya naman sang-ayon na si Sotto sa mga report ng Local Government Units (LGUs) na nagsasabing hindi maayos ang pagtugon natin sa COVID-19 pandemic.
Binanggit pa ni Sotto na hanggang kahapon ay bigo pa rin ang Department of Health (DOH) na magsumite ng hiling niyang listahan ng mga bansang gumagamit ng face shield gayundin ng ginawa nitong scientific study ukol sa pakinabang sa paggamit ng face shield.
Giit ni Sotto, hinid na dapat obligahin ang pagsusuot ng face shield lalo na sa outdoors o bukas na lugar dahil pahirap ito sa paghinga at hindi komportable sa marami.